Ayon sa ulat, kasalukuyan pang hinahanap ang nawawalang kapitan na si Rodolfo Lopez at kabilang sa nailigtas ay nakilalang sina Allan Servano, Jaime Binares, Marlon Galimba, Richard Fabregas at Jesus Esmeralda ay nasagip ng barkong M/V Princess of Bicolandia.
Sina Nepomuceno Lagas, Sunny Depositario ay nailigtas naman ng M/V Melvin Jules habang sina Rollie Metal at may apelyidong Gonzales ay nasa M/V King Frederick.
Nakaligtas din sa trahedya ang dalawang tripulanteng nakilala lamang sa apelyidong Escandor at Sarmiento na ngayon ay nasa Legazpi City, Albay.
Base sa inisyal na ulat na nakalap mula sa opisina ng National Disasater Coordinating Council (NDCC), ang cargo vessel na may pangalang Isabela Angelica ay naglalayag sa naturang karagatan na may lulang 1, 450 metrikong toneladang coconut oil at copra mula sa oil depot ng Legazpi City patungong Batangas City.
Bandang alas-4 ng madaling-araw nang biglang nagliyab ang nasabing barko at ilang minuto pa ang nakalipas ay tuluyang nilamon ng dagat.
Kasalukuyang pang sinisiyasat ng mga awtoridad ang naganap na naman trahedya sa karagatan. (Ulat nina Joy Cantos at Arlene Buan)