^

Probinsiya

Cargo vessel nagliyab sa dagat

-
CAMP AGUINALDO –Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang nagliyab ang naglalayag na cargo vessel sa karagatang sakop ng Barcelona, Sorsogon bago tuluyang lumubog pero nawawala naman ang kapitan habang nasagip ang labing-apat na tripulante sa naganap na trahedya kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, kasalukuyan pang hinahanap ang nawawalang kapitan na si Rodolfo Lopez at kabilang sa nailigtas ay nakilalang sina Allan Servano, Jaime Binares, Marlon Galimba, Richard Fabregas at Jesus Esmeralda ay nasagip ng barkong M/V Princess of Bicolandia.

Sina Nepomuceno Lagas, Sunny Depositario ay nailigtas naman ng M/V Melvin Jules habang sina Rollie Metal at may apelyidong Gonzales ay nasa M/V King Frederick.

Nakaligtas din sa trahedya ang dalawang tripulanteng nakilala lamang sa apelyidong Escandor at Sarmiento na ngayon ay nasa Legazpi City, Albay.

Base sa inisyal na ulat na nakalap mula sa opisina ng National Disasater Coordinating Council (NDCC), ang cargo vessel na may pangalang Isabela Angelica ay naglalayag sa naturang karagatan na may lulang 1, 450 metrikong toneladang coconut oil at copra mula sa oil depot ng Legazpi City patungong Batangas City.

Bandang alas-4 ng madaling-araw nang biglang nagliyab ang nasabing barko at ilang minuto pa ang nakalipas ay tuluyang nilamon ng dagat.

Kasalukuyang pang sinisiyasat ng mga awtoridad ang naganap na naman trahedya sa karagatan. (Ulat nina Joy Cantos at Arlene Buan)

ALLAN SERVANO

ARLENE BUAN

BATANGAS CITY

ISABELA ANGELICA

JAIME BINARES

JESUS ESMERALDA

JOY CANTOS

LEGAZPI CITY

MARLON GALIMBA

NATIONAL DISASATER COORDINATING COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with