CAFGU dinukot at pinatay sa harap ng taumbayan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang dinukot saka pinatay sa harap ng taumbayan sa Barangay Monte Carmelo, Castilla, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Paluhod na binaril sa ulo ang biktimang si Rollie Miranda, 29, may asawa, residente ng Sitio Biyong, Barangay Macalaya Castilla at nakatalaga sa 2nd Infantry Battalion ng 901st Brigade sa Barangay Anog Juban, Sorsogon.

Base sa nakalap na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-8 ng gabi nang harangin ng mga rebelde ang biktima habang naglalakd papauwi mula sa kampo ng militar.

Dinala ang biktima sa compound ng eskuwelahan ng nabanggit na barangay saka pinaluhod at inupakan sa ulo habang nakamasid naman ang taumbayan.

Napag-alaman pa na nag-iwan ng sulat ang mga rebelde sa katawan ng biktima na nagsasaad na hinatulan ng kamatayan sa hindi nabatid na dahilan. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments