^

Probinsiya

5 bihag ng Abu nabawi

-
CAMP AGUINALDO – Limang bihag ng Abu Sayyaf (ASG) ang matagumpay na nasagip ng tropa ng militar matapos ang madugong engkuwentro na ikinasugat ng tatlong sundalo sa bisinidad ng Upper Kapayawan, Isabela City, Basilan kamakalawa.

Kinilala ang mga biktimang sina Ali Akiran, Kulong Laxal, Ampolo Lasal, Rosana Lasal at isang tinukoy lamang sa alyas na Jamil at pawang residente ng Brgy. Lumbang, Isabela City.

Ang mga nasugatang sundalo ay nakilala namang sina Sgt. Isidro Labiano Jr., Cpl. Reynaldo Corpus at Pvt. Noel Tuldog; nakatalaga sa Army’s 24th Special Forces Battalion (SFB) na nakasagupa ng grupo ni Commander Hamsiraji Salih.

Base sa ulat na tinanggap kahapon ni Army Chief Major Gen. Efren Abu, dakong alas-10 ng umaga nang masabat ng tropa ng Army’s 24th SFB ang grupo ni Salih habang tangay ang mga bihag sa masukal na bahagi ng Brgy. Upper Kapayawan sa Isabela City.

Napilitan naman ang mga bandido na abandonahin ang mga bihag sa takot na masukol at nagsitakas patungo sa direksyon ng kagubatan tangay ang mga nasugatan nilang kasamahan.

Nagpapatuloy naman ang malawakang crackdown operations ng militar laban sa grupo ng mga bandido. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ALI AKIRAN

AMPOLO LASAL

ARMY CHIEF MAJOR GEN

BRGY

COMMANDER HAMSIRAJI SALIH

EFREN ABU

ISABELA CITY

ISIDRO LABIANO JR.

UPPER KAPAYAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with