Ayon sa ulat ng tanggapan ni AFP-Southcom Chief Lt. Gen. Roy Kyamko dakong alas 3 ng hapon ng maispatan ang mga mountaineers sa bulubunduking hangganan sa pagitan ng Brgy. Gata at Tipan sa katimugang bahagi ng Mt. Malindang. Gayunman hindi naman natukoy sa ulat ang mga pangalan ng nasagip na mga mountaineers.
Nabatid na ang naturang mga mountaineers ay nawala sa kabundukan ng Mt. Malindang sa bayan ng Clarin nitong nakalipas na Miyerkules. Agad namang nag-organisa ng rescue team ng mga mountain climbers mula sa MOVERS Mountaineering Club ang pamahalaang lungsod na binaback-up ng 2 Huey helicopters ng Armys 1st Infantry Division (ID) na nagresulta sa pagkakaligtas sa mga mountaineers na ngayon ay kasalukuyan nang sumasailalim sa medical checkup. (Ulat ni Joy Cantos)