^

Probinsiya

9 mountaineers nasagip

-
Camp Aguinaldo – Siyam na mountaineers na mahigit isang araw ng nawawala matapos na umakyat sa kabundukan ang nailigtas sa Mt. Malindang, Clarin, Misamis Occidental kamakalawa.

Ayon sa ulat ng tanggapan ni AFP-Southcom Chief Lt. Gen. Roy Kyamko dakong alas 3 ng hapon ng maispatan ang mga mountaineers sa bulubunduking hangganan sa pagitan ng Brgy. Gata at Tipan sa katimugang bahagi ng Mt. Malindang. Gayunman hindi naman natukoy sa ulat ang mga pangalan ng nasagip na mga mountaineers.

Nabatid na ang naturang mga mountaineers ay nawala sa kabundukan ng Mt. Malindang sa bayan ng Clarin nitong nakalipas na Miyerkules. Agad namang nag-organisa ng rescue team ng mga mountain climbers mula sa MOVERS Mountaineering Club ang pamahalaang lungsod na binaback-up ng 2 Huey helicopters ng Army’s 1st Infantry Division (ID) na nagresulta sa pagkakaligtas sa mga mountaineers na ngayon ay kasalukuyan nang sumasailalim sa medical checkup. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

BRGY

CAMP AGUINALDO

GAYUNMAN

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

MISAMIS OCCIDENTAL

MOUNTAINEERING CLUB

MT. MALINDANG

ROY KYAMKO

SOUTHCOM CHIEF LT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with