^

Probinsiya

Lider ng pyramid scam nadakip

-
Bumagsak sa mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lider ng isang big time pyramiding syndicate na responsable sa pagtangay ng mahigit P211 M sa kanilang mga investors sa isinagawang operasyon kahapon ng umaga sa Antipolo City.

Iniharap ni NBI Director Reynaldo Wycoco ang nadakip na suspek na si Palmy Tibayan, 38, isa sa may-ari ng Tibayan Group Investment Co. Inc. at residente ng Brgy, Bagong Nayon, Cogeo Village ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ang asawa nito na si Jesus Tibayan at mga kasabwat na sina Ezekiel Martinez, Liborio Elacio, Jimmy at Nilda Baran.

Ayon kay Wycoco ang suspek ay nasakote matapos ang may isang linggong surveillance operations na kanilang isinagawa base sa mga reklamong natanggap nila laban dito.

Nabatid sa opisyal na ang suspek ay nakapanloko ng may 495 investors at nagkamal ng kabuuang P 211, 356 mula sa mga ito. Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Article 315 o syndicated estafa. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANTIPOLO CITY

BAGONG NAYON

COGEO VILLAGE

DANILO GARCIA

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

EZEKIEL MARTINEZ

JESUS TIBAYAN

LIBORIO ELACIO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NILDA BARAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with