2 patay, 2 grabe sa amok ng Cafgu
November 22, 2003 | 12:00am
Camp Crame Dalawa katao ang nasawi habang dalawa pa ang nasa kritikal na kondisyon kabilang ang dalawang opisyal ng barangay matapos pagbabarilin ng isang nag-amok na kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa lalawigan ng Cagayan kamakalawa.
Kinilala ang nasawi na si Brgy. Captain Melchor Asuten, 39 anyos, dead on arrival sa pagamutan at Brgy. Kagawad Reynaldo Agcaoili , 49, na agad namang binawian ng buhay sa insidente. Ang mga nasa kritikal na kondisyon ay nakilala namang sina Joey Asuten, 31 at Flordeliza Agcaoili, 45 anyos.
Pinaghahanap naman ang suspek na si Roger Buenaventura, 46, isang aktibong kasapi ng CAFGU na nakadestino sa lalawigan ng Cagayan.
Batay sa ulat, ang insidente ay naganap bandang alas-9:30 ng gabi habang kasalukuyang nag-iinuman ang suspek at mga biktima sa isang compound sa Brgy. Calapangan Sur, Lasam, Cagayan.
Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspek at ng mga biktima kayat nagwala ang una at pinaputok ang kaniyang M14 rifle na ikinasawi at ikinasugat ng kaniyang mga kainuman. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended