Lalaki dedo sa Russian roulette

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Isang 24-anyos na lalaki ang kumpirmadong nasawi makaraang maglaro ng Russian roulette sa harap ng dalawa nitong kaibigan sa Barangay Don Domingo Maddela sa bayang ito. Ang biktima na may tama ng bala sa sintido ay nakilalang si Robert John De Leon, samantalang ang dalawang kaibigan na agad naman naipagbigay-alam ang pangyayari sa pulisya ay sina Robert Ragasa, 29 at Michael Pinera. Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO3 Anselmo Dulin, kasama ng biktima ang dalawang kaibigan sa sariling bahay nang bunutin nito ang baril na nakasukbit sa baywang at naghamon ng Russian roulette. Hanggang sa itutok ng biktima ang hawak na baril sa kanyang sintido at aksidenteng pumutok. (Ulat ni Victor P. Martin)

Show comments