Trader itinumba ng brgy. tanod
CAVITE Isang 31-anyos na negosyante ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng barangay tanod habang nakikipagkomprontahan sa maninikwat kamakalawa ng hapon sa Barangay Wawa 2, Rosario, Cavite. Napuruhan ang biktimang si Menardo Villanueva ng Barangay Amaya 2, Tanza, Cavite, Agad naman tumakas ng suspek na si Reggie Reyes, kasama ang isang alyas Pugo na sumikwat ng equalizer sa kotse ng biktima. Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya na kinompronta ng biktima si Pugo dahil sa nawawalang gamit sa kotse hanggang sa lumapit ang suspek at agad na pinaputukan ang negosyante. (Ulat ni Cristina G. Timbang)