Jobless,nagbigti

RIZAL – Dahil sa pagkabigong makapagtrabaho at naging pabigat sa asawa’t anak ay nagdesisyong magbigti ang isang 27-anyos na dating sundalo ng Phil. Army sa kanilang bahay sa Barangay Plaza Aldea, Tanay, Rizal kahapon ng madaling-araw. Ang bangkay ni Richard Soriano ay natagpuan ng sariling ama sa sala ng bahay bandang alas-12:45 ng madaling-araw. Napag-alaman pa sa pulisya na nag-iwan ng suicide note ang biktima na nakasaad dito na nahihiya na siya sa asawa’t anak dahil sa walang siyang makitang trabaho. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments