Jobless,nagbigti
November 19, 2003 | 12:00am
RIZAL Dahil sa pagkabigong makapagtrabaho at naging pabigat sa asawat anak ay nagdesisyong magbigti ang isang 27-anyos na dating sundalo ng Phil. Army sa kanilang bahay sa Barangay Plaza Aldea, Tanay, Rizal kahapon ng madaling-araw. Ang bangkay ni Richard Soriano ay natagpuan ng sariling ama sa sala ng bahay bandang alas-12:45 ng madaling-araw. Napag-alaman pa sa pulisya na nag-iwan ng suicide note ang biktima na nakasaad dito na nahihiya na siya sa asawat anak dahil sa walang siyang makitang trabaho. (Ulat ni Edwin Balasa)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am