Party grinanada: 1 patay, 4 grabe
November 19, 2003 | 12:00am
CAVITE Nabahiran ng dugo ang masayang birthday party makaraang sumabog ang ihinagis na granada ng isang senglot na lalaki na ikinasawi ng sibilyan at malubhang ikinasugat naman ng apat pa sa Molino 2 Subdivision, Barangay Salitran, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng hapon. Nasapol ng shrapnel ang nasawing biktima na si Arjay Hernandez, samantalang ginagamot naman sa J.P. Rizal Hospital sina Matia Mercado, 17, Jocelyn Detera, 26, Roman Claron, 43 at Juancho Alcantara. Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Rolly Lastiola na agad tumakas matapos maghagis ng granada bandang alas-3 ng hapon. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended