P 88-M shabu nasamsam
November 19, 2003 | 12:00am
BULACAN Tatlong Tsino na pinaniniwalaang may malawak na ugnayan sa sindikato ng droga ang iniulat na dinakip ng mga awtoridad makaraang makumpiskahan ng P88 milyong shabu sa inuupahang bahay sa Barangay Lambaquin, Marilao, Bulacan kahapon.
Kasalukuyang sinisiyasat ang mga suspek na sina Joey Lim, 30 ng 19 Paul St., Metro Gate Complex, Marilao, Bulacan; Charlie Go, 24 ng Bucaue, Bulacan at Nelson Go, 28 ng Sta. Maria, Bulacan na pawang tubong Mainland China.
Sa inisyal na imbestigasyon, naitala ang buy-bust bandang alas-10 ng umaga sa bahay na inuupahan ni Lim sa naturang complex na pag-aari ni Federico Fabian na pinalalagay na walang alam sa modus-operandi ng tatlong Tsino.
Nasamsam ng mga operatiba ng Western Police District, Bulacan Provincial Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency -3 ang 44 kilong shabu na nakalagay sa anim na kahon.
Napag-alaman pa sa pulisya na unang bumili ng 1 kilo ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer kay Lim hanggang sa isama siya sa bahay nito at namataan naman ang kahon ng kinalalagyan ng droga.
Agad naman nakipag-ugnayan ang kapulisan ng WPD sa Bulacan provincial police at PDEA-3 para magsagawa ng drug bust operation sa naturang bahay hanggang sa matagumpay na nadakip ang tatlong Tsino.
Bukod sa 44 kilong shabu na nakumpiska ay nasamsam din ang isang plastic container na naglalaman ng hindi nabatid na kemikal na pinaniniwalaang inihahalo sa droga.(Ulat ni Boy Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended