Magsasaka tiklo sa pampasabog
November 13, 2003 | 12:00am
RIZAL May posibilidad na maghahasik ng karahasan ang isang 30-anyos na magsasaka makaraang makumpiskahan ng granada at sampung dinamita habang umiinom ng alak sa videoke bar na sakop ng Tanay, Rizal kahapon ng madaling-araw. Naghihimas ng rehas na bakal ang suspek na si Charlie Rabo ng Sitio Kamagong, Barangay Sampalok matapos na madiskubreng may dalang pampasabog sa El Cafe videoke bar ng mga tauhan ng pulisya na nagsagawa ng "Oplan Sita" sa mga bahay-inuman. Napag-alaman pa sa ulat na tinangkang pumuslit ng suspek habang iniisa-isang rekisahin ang mga dalang gamit ng kustomer pero naging alerto ang mga awtoridad. Tinangka pa ng suspek na alisin ang safety pin ng granada pero agad naman naagapan. (Ulat ni Edwin Balasa)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest