Mag-ama itinumba sa simbahan
November 13, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Hindi na iginalang ng dalawang rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang kasagraduhan ng simbahan matapos bistayin ng bala ang isang sundalo at anak nito sa naganap na karahasan sa Catbalogan, Western Samar kamakalawa.
Ang mga nasawi ay nakilalang sina Technical Sgt. Jesus Dacles, nakatalaga sa 65th Military Intelligence Company (MICO)-8 at anak nitong si Jonathan, ng Brgy. 13, Catbalogan ng nasabing lalawigan.
Sa ulat na tinanggap ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Narciso Abaya, dakong ala-1:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa harapan ng Pentecostal Church sa nasabing barangay.
Ayon sa imbestigasyon, papasok sa nasabing simbahan ang mag-ama nang biglang sumulpot ang dalawang suspek na tinatayang nasa pagitan ng 18 hanggang 23 taong gulang.
Bigla na lamang binunot ng dalawang rebelde ang kanilang baril at walang sabi-sabing pinaputukan ang mag-ama.
Agad binawian ng buhay ang sundalo matapos mapuruhan sa ibat ibang bahagi ng katawan at namatay naman sa pagamutan ang anak nito habang nilalapatan ng lunas bunga ng tinamong mga tama ng bala sa ulo at balikat.
May teorya ang pulisya na may kaugnayan sa counter-insurgency operations ng pamahalaan ang motibo sa pamamaslang.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 11-basyo ng bala ng cal. 9MM baril at apat namang basyo ng bala ng cal .45 pistol. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 12 hours ago
By Victor Martin | 12 hours ago
By Omar Padilla | 12 hours ago
Recommended