Life sa kidnaper ng mag-utol

LEGAZPI CITY – Hinatulan ng mababang korte ng habambuhay na pagkabilanggo ang kumidnap sa mag-utol noong Pebrero 2, 2001 habang ang mga biktima ay papauwi mula sa Albay Central School sa lungsod na ito. Sa ipinalabas na desisyong may petsang Nobyembre 7, 2003 na nilagdaan ni Judge Antonio Alfane ng Regional Trial Court Branch 9, ililipat sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City ang akusadong si Wilfredo Franes na napatunayang kumidnap kina James at Kevin Burgos. Napag-alaman pa napatay ang tatlong kasama ni Franes na sina Aurelio Borras, Efren Lopera at Rogelio Lopera makaraang magsagawa ng rescue operation ang pulisya sa Reyes Beach Resort sa Sto. Domingo, Albay. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments