Sa isang phone interview, kinilala ni Brig. Gen. Agustin Demaala, Commander ng Armys 30st Brigade ang mga nakalayang kidnap victim na sina Rey Escanlar, Hernani Bañez at Datu Galvez; pawang ng Isulan, Sultan Kudarat.
Nabatid na dakong alas-7 ng gabi nitong linggo ng samantalahin ng mga bihag na takasan ang kanilang mga bantay na tauhan ni Pentagon KFR Kumander Mayangkang Saguile mula hangganan ng Sultan Barongis, Pendatun at Datu Paglas, Maguindanao saka sumakay ng bangka patungo sa Brgy. Katico, President Quirino, Sultan Kudarat noong Lunes ng madaling araw.
Magugunita na ang mga biktima ay kinidnap noong Setyembre 20, 2003 kung saan ay ang tatlo ang napagdiskitahang tangayin matapos na makahulagpos at makatakas ang target nilang Filipino-American trader. (Ulat ni Joy Cantos)