^

Probinsiya

3 kinidnap nakatakas

-
CAMP AGUINALDO – Matapos ang 51-araw na pagkakabihag, matagumpay na nakatakas sa kamay ng Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) gang ang tatlong empleyado ng isang mayamang Pilipino American trader at ret. US Navy sa bahaging Linguasan Marsh na nasasakupan ng bulubunduking hangganan ng tatlong bayan ng lalawigan ng Maguindanao, ayon sa ulat kahapon.

Sa isang phone interview, kinilala ni Brig. Gen. Agustin Demaala, Commander ng Army’s 30st Brigade ang mga nakalayang kidnap victim na sina Rey Escanlar, Hernani Bañez at Datu Galvez; pawang ng Isulan, Sultan Kudarat.

Nabatid na dakong alas-7 ng gabi nitong linggo ng samantalahin ng mga bihag na takasan ang kanilang mga bantay na tauhan ni Pentagon KFR Kumander Mayangkang Saguile mula hangganan ng Sultan Barongis, Pendatun at Datu Paglas, Maguindanao saka sumakay ng bangka patungo sa Brgy. Katico, President Quirino, Sultan Kudarat noong Lunes ng madaling araw.

Magugunita na ang mga biktima ay kinidnap noong Setyembre 20, 2003 kung saan ay ang tatlo ang napagdiskitahang tangayin matapos na makahulagpos at makatakas ang target nilang Filipino-American trader. (Ulat ni Joy Cantos)

AGUSTIN DEMAALA

DATU GALVEZ

DATU PAGLAS

HERNANI BA

JOY CANTOS

KUMANDER MAYANGKANG SAGUILE

LINGUASAN MARSH

MAGUINDANAO

PILIPINO AMERICAN

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with