^

Probinsiya

Bangko hinoldapL 1 patay, 1 nadakip

-
HAGONOY, Bulacan – Naging madugo ang naganap na holdapan sa isang bangko makaraang mapatay sa barilan ang holdaper at naaresto naman ang isa, samantala, nakapuga ang dalawa nitong kasama tangay ang P.6 milyon kahapon sa Barangay San Pascual ng naturang bayan.

Nakilala ang napatay na holdaper na si Renato Reyes ng 233 J.P. Rizal, Makati City, samantalang nakilala naman ang nasakoteng isa sa suspek na si Rolando Peria, 30 ng Barangay Almanza, Las Piñas City.

Nakilala lamang ang dalawang nakatakas sa alyas Gaudi ng Bicol at Louie ng Sucat, Parañaque City.

Narekober naman ng pulisya ang dalawang baril at iba’t ibang bala partikular na ang ginamit na taxi ng mga holdaper na may plakang WKH-689.

Base sa ulat ng pulisya na isinumite kay P/Sr. Supt. Felizardo Serapio Jr., pinasok ng apat na holdaper ang East Cost Bank sa nabanggit na barangay bandang ala 1 ng hapon.

Nakatunog naman ang mga tauhan ni Serapio kaya agad na nagresponde pero nakipagbarilan ang mga holdaper hanggang sa mapatay ang isa.

Hindi naman maipaliwanag ng pulisya kung ang nasabing halaga ay tinangay nga ng dalawang holdaper na tumalon sa ilog dahil walang nakitang anumang dalang bag na paglalagyan ng P.6 milyon. (Ulat ni Efren Alcantara)

BARANGAY ALMANZA

BARANGAY SAN PASCUAL

EAST COST BANK

EFREN ALCANTARA

FELIZARDO SERAPIO JR.

LAS PI

MAKATI CITY

NAKILALA

RENATO REYES

ROLANDO PERIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with