^

Probinsiya

Abu kumander patay sa engkuwentro

-
CAMP AGUINALDO – Napatay sa sagupaan ang isang kumander ng Abu Sayyaf Group (ASG) na responsable sa pagdukot ng 20-katao kabilang ang 18 dayuhan sa Sipadan, Malaysia noong taong 2000 matapos na muling makasagupa ng tropa ng militar at mga bandido sa Jolo, Sulu nitong Lunes.

Kinilala ang nasawing bandido na si Faizal Abbas, alyas Kumander Isnani na agad binawian ng buhay matapos na matadtad ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa talaan ng militar, si Abbas ay may patong sa ulong P1 milyon para sa kanyang ikadarakip at may standing warrant of arrest na ipinalabas ng 9th Judicial Region, Branch 2, Isabel, Basilan.

Ayon kay AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero, bandang ala-1 ng hapon habang nagsasagawa ng combat patrol ang mga elemento ng 104th Brigade sa Serantes Street, Jolo nang makasagupa nila ang pangkat ni Abbas.

Nabatid na ang mga sundalo ay nagtungo sa lugar matapos na makatanggap ng ulat kaugnay ng pamumugad ng mga armadong mga bandido dito na nangha-harass ng mga sibilyan.

Napa-alaman na nagawang makorner ng mga sundalo si Abbas at ang mga kasamahan nito subalit nanlaban si Kumander Isnani nang aarestuhin na siya ng militar.

Sumiklab ang 5 minutong shootout kung saan napuruhan at napatay si Abbas habang nakatakas naman ang kanyang mga kasamahan.

Bukod sa Sipadan abduction, sangkot din si Abbas sa pagdukot sa mga French journalists sa Jolo noong 2000. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

CHIEF LT

DANIEL LUCERO

FAIZAL ABBAS

JOLO

JOY CANTOS

JUDICIAL REGION

KUMANDER ISNANI

PUBLIC INFORMATION OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with