4 holdaper nasakote
November 11, 2003 | 12:00am
CAVITE Hindi na nakapalag pa ang apat sa siyam na holdaper ng bangko makaraang masakote ng pulisya sa naganap na engkuwentro sa kahabaan ng Barangay Burol Main, Dasmariñas, Cavite kahapon ng umaga.
Nakapiit ngayon sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus ang mga suspek na sina Dodong Go, Oscar Viola, Rodrigo Domingo at Antonio Solis.
Tinamaan naman ng ligaw na bala at kasalukuyang ginagamot sa UMC Hospital ang mga biktimang sina Jeorge Banilla, sikyu at Raga Dumalaon estudyante.
Narekober naman sa mga suspek ang apat na sasakyang may plakang WGM-218 (Starex Van); PSF-955 (Toyota Corolla); WTU-281 (Adventure) at WJJ-854 (Lancer).
Napag-alaman sa ulat ng pulisya, naitala ang engkuwentro bandang alas-9:30 ng umaga matapos na matunugan ng mga awtoridad ang isinasagawang holdap sa automatic teller machine (ATM) ng Development Bank of the Philippines malapit sa UMC Hospital.
Dito nagkaroon ng habulan hanggang sa magkaputukan na ikinasugat ng dalawa at si SPO2 Mojares. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended