Milyong kargamento hinaydyak sa Laguna
November 10, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Umaabot sa milyun-milyong halaga ng shampoo at laundry soap ang hinaydyak ng hindi kilalang armadong kalalakihan matapos harangin ang cargo truck sa Laguna, kamakalawa.
Base sa ulat ng tanggapan ni PNP Chief P/Director General Hermogenes Ebdane Jr., naganap ang insidente kamakalawa bandang alas-4 ng hapon sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Makiling, Calamba City ng nasabing lalawigan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pansamantalang pumarada sa tabi ng highway ang truck habang tsinitsek ng driver nito ang gulong ng sasakyan nang biglang sumulpot ang mga suspek na lulan ng kulay pulang kotse.
Agad tinutukan ng mga suspek ang driver ng truck at tatlo nitong pahinante na walang nagawa nang imaniobra ng mga suspek ang kanilang sasakyan patungo sa direksiyon ng Brgy. Turbina, SLEX ng nasabing lungsod.
Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang kaso kung saan isa sa mga anggulong sinisilip ay ang posibleng "inside job". (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest