Ambush: Sundalo,2 sibilyan patay
November 9, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Isang sundalo at dalawang sibilyan ang napaslang matapos na mahulog sa bitag ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa naganap na madugong pananambang sa Baggao, Cagayan Valley, ayon sa ulat kahapon.
Gayunman, pansamantalang di muna tinukoy ni Phil. Army Spokesman Lt. Col. Joselito Kakilala ang pagkakakilanlan ng nasawing sundalo dahil kailangan pang impormahan ang pamilya nito.
Nakilala naman ang dalawang napatay na sibilyan na sina Faustino Baraquel at Randy Rana.
Batay sa ulat ng tanggapan ni Army Chief Lt. Gen. Gregorio Camiling Jr., ang mga biktima ay pawang dead-on-the-spot matapos tambangan sa liblib na bisinidad ng hangganan ng Brgy. Pallagao, Margarita at Dalin, pawang sa bayan ng Baggao ng nasabing lalawigan bandang alas-8:30 ng gabi.
Nabatid na nagawang isakatuparan ng mga rebelde ang pananambang matapos na lansihin ang tropa ng militar na may susuko sa kanilang hanay.
Sa pag-aakalang sinsero ang mga rebelde ay agad nagtungo ang mga sundalo subalit habang patungo sa daan ay hinarang at tinambangan ng komunistang grupo.
Tumagal ang pagpapaulan ng punglo ng may 5 minuto bago tuluyang nagsitakas ang mga rebelde patungo sa direksyon ng kagubatan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest