^

Probinsiya

Pulis nag-amok,namaril sa loob ng videoke bar

-
LUCENA CITY – Dahil sa sintunadong kanta ng kalalakihang lango sa alak sa videoke bar, nainis ang isang aktibong miyembro ng PNP kung kaya’t naghuramentado ito at namaril kamakalawa ng gabi sa Barangay Gulang-Gulang ng lungsod na ito.

Kinasuhan at malamang na masibak sa serbisyo ang nag-ala-Rambong parak na si SPO1 Abelardo de Guzman, may asawa at nakatalaga sa Tayabas Municipal Police Station.

Ayon kay SPO3 Reynaldo Belarmino, officer-on-case, dakong alas-6 ng gabi ay naka-unipormeng pumasok sa Triple B canteen and videoke bar ang pulis at umorder ng ilang bote ng alak.

Nang malasing ang pulis ay tumayo ito at pinatitigil umano ang mga kumakanta sa katabing mesa dahil sa sintunadong pagkanta ng isa sa grupo ng kalalakihan.

Subalit sa halip na tumigil ang mga katabi nito sa pag-awit ay nagpatuloy pa kaya’t naghuramentado ang pulis at nagpaputok pa ng baril na sa kabutihang-palad ay wala namang tinamaan.

Kasabay ng pagkakagulo sa loob ng videoke bar ay umalis na rin ang suspek na sakay ng kanyang owner-type jeep.

Tiniyak naman ni Quezon PNP director P/Supt. Federico Terte na hindi niya kukunsintihin ang ginawa ng suspek at tutuluyan niya itong sibakin. (Ulat ni Tony Sandoval)

ABELARDO

AYON

BARANGAY GULANG-GULANG

DAHIL

FEDERICO TERTE

GUZMAN

REYNALDO BELARMINO

TAYABAS MUNICIPAL POLICE STATION

TONY SANDOVAL

TRIPLE B

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with