Shootout: 2 todas
November 9, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Dalawa katao ang kumpirmadong nasawi kabilang ang isang pulis makaraang humantong sa barilan ang isinagawang biglaang inspeksyon ng mga tauhan ng Meralco kasama ng police escort laban sa illegal connection sa mga kabahayan sa bayan ng Sta. Rosa, Laguna kamakalawa.
Ang mga nasawi ay nakilalang sina SPO2 Rogelio Serafica, miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) at ang nag-amok na suspek na si Severino Archita, residente ng Rhobers Subdivision, Brgy. Dita, Sta. Rosa, Laguna.
Base sa ulat, naitala ang pangyayari dakong alas-3:30 ng hapon matapos na makatanggap ng ulat ang Meralco hinggil sa talamak na illegal na koneksyon kayat sinita ito ng mga inspector ng Meralco.
Dito nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nina Archita at ng mga taga-Meralco kung saan tinangka namang awatin ng police escort subalit agad binunot ng suspek ang kanyang .45 caliber pistol at pinaputukan sa tiyan si Serafica.
Sa kabila na sugatan ay nagawang paputukan ni Serafica ng kanyang 9mm service pistol ang suspek na tinamaan sa leeg.
Nagawa pang maisugod sa St. James Hospital ang dalawa subalit dead-on-arrival si Archita habang hindi na nagawa pang maisalba ang buhay ni Serafica.
Kaugnay nito, inaresto naman ng mga awtoridad at ikinulong sa Sta. Rosa Municipal Police Station (MPS) ang anak ng suspek na si Michael Archita dahil kasabwat ito ng kanyang ama sa nangyaring kaguluhan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am