5 miyembro ng Salisi gang timbog

Camp Pantaleon Garcia, Imus, Cavite – Limang pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na Salisi gang kabilang ang dalawang babae ang nasakote ng puwersa ng pulisya na nagresulta rin sa pagkakasamsam sa mga nakaw na produkto sa isinagawang operasyon sa Brgy. Bucandala Road sa bayang ito kamakalawa ng gabi. Hindi na nakapalag ang mga suspek nang makorner ng Imus Police na kinilalang sina Ricardo Cameron, 29; Jimmy Davalos, 29; Prudencio Mahinay, 38; pawang ng Dasmariñas, Cavite; Marygrace Mapano, 21 at Maria Parcon. Nabatid na ang mga ito ay nahuli bandang alas 9 ng gabi matapos ang masusing surveillance operations. Nasamsam mula sa mga suspek ang sari-saring uri ng mga produkto na ninakaw ng mga ito sa sangay ng Robinson’s sa Imus at Waltermart sa Dasmariñas. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments