^

Probinsiya

Ex-mayor na pumatay sa karibal lumantad

-
Tayug, Pangasinan – Matapos ang ilang buwang pagtatago sa batas, lumantad na si dating Mayor Marius Ladio, itinuturong pangunahing suspek sa pagpaslang sa kaniyang karibal sa pulitika sa bayang ito.

Kasabay nito ay itinanggi naman ng suspek na siya ang may kagagawan sa pagpatay sa biktimang si Mayor Guerrero Zaragoza na naganap sa isang sabungan nitong nakalipas na Hunyo 22 ng taong ito.

Sa panayam ng mediamen sa tahanan ni Ladio sa Brgy. Evangelista pinabulaanan din nito ang napaulat na sumapi na siya sa kilusan ng New People’s Army (NPA).

Ikinatwiran ni Ladio na hindi umano makatarungan na basta na lamang siyang paratangan ng walang sapat na ebidensiya dahilan kung tutuusin ay marami ring kaaway ang biktima.

Sinabi pa ng dating alkalde na kung umalis man sila ng kaniyang pamilya sa kanilang lugar at pansamantalang lumipat sa Metro Manila ay upang makaiwas lamang sa gulo. (Ulat ni Eva Visperas)

vuukle comment

BRGY

EVA VISPERAS

EVANGELISTA

HUNYO

IKINATWIRAN

KASABAY

LADIO

MAYOR GUERRERO ZARAGOZA

MAYOR MARIUS LADIO

METRO MANILA

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with