^

Probinsiya

5 nabihag ng Abu nakabalik na sa Malaysia ?

-
CAMP AGUINALDO – Malaki ang posibilidad na nakabalik na umano sa Sabah, Malaysia ang mga kidnaper tangay ang kanilang limang nalalabing hostages na itinago sa Tawi-Tawi matapos dukutin ang mga ito sa isang beach resort sa nasabing bansa noong Oktubre 5 ng taong ito.

Ayon kay Defense Secretary Eduardo Ermita, hindi malayong nasa Malaysia na ang mga hostages dahilan magkakalapit lamang ang lokasyon ng Tawi-Tawi at ng Sabah, Malaysia.

Gayunman sa kabila nito ay iginiit ni Ermita na tuluy-tuloy pa rin ang operasyon ng militar sa lalawigan ng Tawi-Tawi,

Nilinaw ng kalihim na bagaman magkakasalungat ang pahayag ng umano’y nakaligtas na hostage na si Nonoy Alkusil ay ginagamit pa rin ito ng tropa ng militar bilang guide sa kanilang operasyon.

Si Alkusil na napatunayang pekeng Indonesian national ay naunang nagsabing nakaligtas siya sa kamay ng kanilang mga abductors matapos imasaker ang lima nitong kasamahang bihag noong Oktubre 27 sa Languyan, Tawi-Tawi.

Sa kabila rin ng paglutang na mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang mga kidnappers ay naniniwala ang kalihim na tradisyunal na mga pirata ang responsable sa pagdukot sa mga biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

DEFENSE SECRETARY EDUARDO ERMITA

JOY CANTOS

NONOY ALKUSIL

OKTUBRE

SABAH

SI ALKUSIL

TAWI

TAWI-TAWI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with