Pekeng dental technician timbog

TAGKAWAYAN, Quezon – Pinaniniwalaang pekeng dental technician ang nadakip na 42-anyos na lalaki kasama ang kalaguyo nito sa isinagawang operation sa Barangay Aldavoc ng bayang ito kamakalawa ng tanghali. Nakapiit ngayon sa himpilan ng pulisya ang mga suspek na sina Ronald Quisana at Adora Gueta, 29, kapwa tubong Masbate. Dinakip ng pulisya ang dalawa dahil walang maipakitang sapat na permiso kaya nagpalabas ng search warrant si Judge Manuel Salumbides. Nakumpiska sa bahay ng mga suspek ang 7 piraso ng forceps, 4 elevator stainless, cotton flier, mouth mirror, 10 piraso ng bite wak, 7 disposable needle at 5 pirasong guwantes. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments