Ambush sa militar naagapan

CAMP AGUINALDO – Nadiskaril ang planong pagsasagawa ng madugong pananambang ng bandidong Abu Sayyaf laban sa convoy ng tropa ng militar matapos na marekober ang patibong na landmine at iba pang uri ng ekspolosibo sa Sumisip, Basilan kamakalawa.

Base sa ulat, kasalukuyang nagsasagawa ng security patrol ang pinagsanib na elemento ng 19th CAFGU Active Auxiliary (CAA) at Army’s 32nd Infantry Battalion (IB) nang marekober ang ipinaing mga pampasabog sa kahabaan ng highway ng Brgy. Sangian at Upper Cabengbeng sa nasabing bayan.

Sinabi ni Army’s Spokesman Lt. Col. Joselito Kakilala, dahil sa pagiging alerto ng tropa ng militar sa pamumuno ni Staff Sgt. Ares ay napigilan ang madugong pananambang.

Nasamsam ang 36 metro ng duplex wire, isang gallon ng ammonium nitrate, isang malaking container na gawa sa solid na metal na punong-puno ng mga sharpnels. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments