^

Probinsiya

Misis tsinap-chop ng amok

-
RIZAL – Animo’y karne ng hayop ang ginawa sa katawan ng isang 41-anyos na misis makaraang tadtarin ng itak ng senglot na nag-amok ang biktima sa Barangay San Juan, Cainta, Rizal kamakalawa ng gabi.

Halos magkahiwa-hiwalay ang braso at kanang binti ng biktimang si Magdalena Monteza ng Bagong Silang Street, samantala, agad naman dinakip ng pulisya ang suspek na si Nelson Carillo, 48, kapitbahay ng biktima sa nabanggit na barangay.

Naitala ng pulisya ang pangyayari dakong alas-8 ng gabi matapos na pumasok ang suspek sa loob ng bahay ng biktima.

Napag-alaman pa sa imbestigasyon na lango sa alak ang suspek nang maghuramentado hawak ang jungle bolo at naghahamon ng patayan sa sinumang kapitbahay.

Wala naman pumatol sa hamon ng suspek kaya naman nairitang pumasok sa bahay ng biktima.

Dito inabutan ng suspek ang biktimang nagpapahinga at biglang initak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad na tumakas ang suspek hawak pa ang bolo pero hindi naman nakalayo at agad naman nalambat dahil sa isinagawang follow-up operation ng pulisya. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BAGONG SILANG STREET

BARANGAY SAN JUAN

CAINTA

DITO

EDWIN BALASA

MAGDALENA MONTEZA

NAITALA

NAPAG

NELSON CARILLO

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with