P491-M droga nasabat sinunog sa Cavite
November 5, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Umaabot sa P491 milyong drogang nasamsam at sinunog ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang ceremonial burning sa Trece Martirez City, Cavite kahapon ng umaga.
Sinabi ni PDEA Executive Director Usec. Anselmo Avenido Jr. na ang sinunog na bawal na droga at mga kemikal ay umaabot sa kabuuang P491.793 milyon na kanilang nasamsam alinsunod sa pinalakas na anti-drug campaign ng pamahalaan nitong mga nakalipas na anti-drug operations.
Ang ceremonial burning na isinagawa sa Integrated Management Facility na matatagpuan sa Brgy. Aguado, Trece Martires City ay sinaksihan ng Congressional Oversight Committee on Dangerous Drugs at ng mga local na opisyal ng Cavite.
Kabilang sa mga sinunog ay P195,476.25 gramo ng shabu na may katumbas na P489,365,625; 1,989.77 gramo ng marijuana na nagkakahalaga naman ng P387,954.
Sinunog din ang 1,014.8 gramo ng mga kemikal na mas kilala bilang ephedrine na nagkakahalaga ng P2,026,600 na pangunahing sangkap sa paggawa ng shabu.
Binigyan diin pa ng opisyal na ito ang ikalimang pagkakataon na nagsunog sila ng mga nasamsam na illegal na droga sa ilalim ng R.A. 9165 o ang mas lalong kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest