P10M ari-arian naabo
TABACO CITY Aabot sa P10 milyong ari-arian ang tinupok ng apoy matapos na masunog ang pamilihang bayan ng nasabing lungsod kahapon ng madaling-araw. Nagsimulang kumalat ang apoy sa buong palengke bandang alas-2:45 ng madaling-araw at naapula dakong alas-6 ng umaga makaraang magresponde ang mga pamatay-sunog mula sa bayan ng Bacacay, Sto. Domingo, Lagao, Legazpi, Daraga at Guinobatan. Sumaklolo rin ang ilang fire brigade volunteer. Napag-alaman sa inisyal na ulat ng pulisya na nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag at agad na kumalat ang apoy dahil na rin sa kalumaan ng gusali. Wala naman inulat na nasawi o nasugatan habang patuloy ang imbestigasyon. (Ulat ni Ed Casulla)