2 mamahaling sports car nasabat
November 4, 2003 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Dalawang vintage sports car at ibat ibang uri ng mamahaling used-spare parts ang nasabat ng mga ahente ng Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD) makaraang madiskubreng nakatago sa malaking bodega sa nabanggit na lugar kamakalawa ng hapon.
Sa isinumiteng ulat ni ESS-CPD Chief for Operations Capt. Marlon Alameda kay Customs Police District Commander Capt. Elpidio "Sonny" Manuel, natagpuan nina Rico Reyes at Danny delos Reyes ang P6 milyong halaga ng dalawang vintage Jaguar sports car-Euro made (right hand drive-model 1970) na nakatago sa loob ng 40-footer container van sa warehouse ng Global International Phils. Inc., (GIPC), rehistradong locator dito sa Freeport.
Ayon kay Alameda, matagal nang hinahanap ang naturang kontrabando dahil ito ay nasa ilalim ng alert order status simula pa noong Setyembre 2003 at pilit na itinatago ng naturang kompanya.
Nabatid sa dokumentong nakalap ng mga awtoridad na idineklarang mga piyesa ng trak ang nilalaman ng shipment subalit matapos na suriin ay lumantad ang dalawang sasakyan at 289-piraso used spare parts.
Sinabi naman ni Customs Deputy Collector for Assessment Atty. Andres Salvacion, galing ang naturang mga smuggled units sa bansang UK at pinaniniwalaang ipagbibili sa bansa ang dalawang sasakyan.
Kaagad na nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) si Customs District Collector Atty. Alexander Arcilla laban sa nakumpiskang mga sasakyan sa paglabag nito sa ilalim ng Tariff and Customs Code of the Philippines (TCCP). (Ulat ni Jeff Tombado )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended