7-katao kritikal sa kidlat
November 3, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Pito-katao ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang santikin ng kidlat habang ang mga biktima ay nasa sementeryong sakop ng Barangay Poblacion, Binmaley, Pangasinan kamakalawa.
Ang mga biktimang isinugod sa Lingayen Community Hospital Region 1 Medical Center ay nakilalang sina Larry Ferrer, 17, Larry Sy, 23, na pawang residente ng Barangay Calaoan Norte; Isagani Garcia, 31, Rodrigo Garcia, 11, Leonarda Escocio, 57, Vangie Camacho, 31 at Rudy Escosio na pawang naninirahan sa Pugaro Suite, Dagupan City.
Nabatid sa ulat ng pulisya na isinumite sa Camp Crame, naitala ang pangyayari bandang alas-12:30 ng tanghali sa loob ng naturang sementeryo.
Ayon pa sa pulisya, kasalukuyang ginugunita ng mga biktima ang All Souls Day ng biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay nito ang dagundong na kulog hanggang sa kumislap ang matalim na kidlat.
Dito na nagkaroon ng komosyon sa loob ng sementeryo habang ang mga biktimang sinaltik ng kidlat ay nakabulagtang sugatan pero agad naman nagresponde ang mga awtoridad para saklolohan ang mga ito hanggang sa maisugod sa nabanggit na ospital. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest