^

Probinsiya

Trader tinodas ng kasosyo

-
CANDELARIA, Quezon – Dahil sa ayaw magbayad ng utang sa kanyang kasosyo sa negosyo, isang negosyante ang binaril at napatay ng kanyang kabaro sa Sitio Pulo, Barangay Bukal Norte sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng 9mm ay nakilalang si Abelardo Caringal, 50, may-asawa, habang tumakas naman ang suspek na si Maximo Libang ng nasabi ring lugar.

Ayon sa pagsisiyasat ni SPO1 Rafael Ausa, naganap ang pamamaslang dakong alas-7:10 ng gabi habang ang biktima ay nakikipag-usap kay Monico Maranan.

Dumating umano ang suspek at kinompronta ang biktima tungkol sa pagkakautang nito. Sa halip na sumagot ay nagkunwaring walang narinig ang biktima kaya’t nairita ang suspek at pinutukan ng ilang ulit.

Nabatid din sa ulat ng pulisya na dating magkasosyo sa pagbebenta ng kalamansi ang dalawa at naghiwalay lamang ng landas mula nang hindi barayan ng biktima ang pagkakautang nito sa suspek. (Ulat ni Tony Sandoval)

ABELARDO CARINGAL

AYON

BARANGAY BUKAL NORTE

DAHIL

DUMATING

MAXIMO LIBANG

MONICO MARANAN

RAFAEL AUSA

SITIO PULO

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with