Atake ng NPA: 3 pulis patay, 1 grabe
November 1, 2003 | 12:00am
Malolos, Bulacan Humabol sa Undas ang tatlong pulis habang isa pa ang grabeng nasugatan makaraang lusubin ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang isang istasyon ng pulisya sa panibagong insidente ng paghahasik ng terorismo sa Hagonoy, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Itoy sa gitna na rin ng idineklarang 5 araw na red alert umpisa nitong Oktubre 29 ng tanghali ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Hermogenes Ebdane Jr. kaugnay ng paggunita sa Undas. Kinondena ni Ebdane ang naganap na pag-atake kasabay ng mahigpit na direktiba na maging alerto at tugisin ang naturang grupo ng mga rebelde.
Dead on the spot sa insidente ang mga biktimang sina SPO1 Roberto Dinglasan, PO3 Leonardo Paulino at PO1 Teodorico Collado; pawang nakatalaga sa Maritime Police Station na nakabase sa Sto. Niño sa bayan ng Hagonoy.
Patuloy namang inoobserbahan sa pagamutan ang sugatang si PO3 Dominador Perlas na nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Base sa imbestigasyon, mahigit 14 armadong rebelde na pawang nakasuot ng kulay asul na police camouflage at lulan ng isang Mitsubishi Adventure van na may plakang WLH 161 ang lumusob sa nasabing istasyon ng pulisya bandang 9:30 ng gabi nitong Huwebes.
Sunud-sunod na pagpapaulan ng putok ang pinakawalan ng mga rebelde sa nasabing istasyon ng pulisya at ilang saglit pa ay niransak ang nasabing himpilan saka mabilis na tumakas lulan ng dalawang bangka na naghihintay sa pampang ng isang ilog.
Kabilang sa natangay ng mga rebelde ay pitong M16 rifles, isang .45 caliber pistol at isang .38 caliber revolver. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest