Itoy matapos mabigo pa rin ang tropa ng militar na marekober ang bangkay ng limang bihag sa patuloy na pagsuyod sa masukal at magubat na bahagi ng bayan ng Panglima Sugala ng nasabing lalawigan.
Kasabay nito, binawi ni AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero ang nauna nitong pahayag na natagpuan na ang limang bangkay na posibleng nagsisimula ng maagnas at aniyay hinahanap pa rin ang bangkay ng mga biktima sa kasalukuyan.
Ang naganap na masaker ay isiniwalat lamang ng nakaligtas na si Nonoy Alkusil, Indonesian national na nagawang makatakas sa mga bandido sa kainitan ng bakbakan sa pagitan ng mga elemento ng pulisya sa kagubatan ng Languyan.
Kabilang sa mga pinaghahanap na bangkay ay sina Arsal at Amil; pawang mga magulang ni Nonoy; Geto at Amir, na kapwa naman Malaysian national taliwas sa unang report na Indonesian ang mga ito at ang Filipina na si Azara Sarahan. (Ulat ni Joy Cantos)