^

Probinsiya

Bangkay ng 5 bihag na minasaker ng Abu di makita

-
CAMP AGUINALDO – Nanganganib na malapa ng mababangis na hayop ang bangkay ng 5 bihag na minasaker ng mga bandidong Abu Sayyaf noong Oktubre 5 sa kagubatan ng Tawi-Tawi.

Ito’y matapos mabigo pa rin ang tropa ng militar na marekober ang bangkay ng limang bihag sa patuloy na pagsuyod sa masukal at magubat na bahagi ng bayan ng Panglima Sugala ng nasabing lalawigan.

Kasabay nito, binawi ni AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero ang nauna nitong pahayag na natagpuan na ang limang bangkay na posibleng nagsisimula ng maagnas at aniya’y hinahanap pa rin ang bangkay ng mga biktima sa kasalukuyan.

Ang naganap na masaker ay isiniwalat lamang ng nakaligtas na si Nonoy Alkusil, Indonesian national na nagawang makatakas sa mga bandido sa kainitan ng bakbakan sa pagitan ng mga elemento ng pulisya sa kagubatan ng Languyan.

Kabilang sa mga pinaghahanap na bangkay ay sina Arsal at Amil; pawang mga magulang ni Nonoy; Geto at Amir, na kapwa naman Malaysian national taliwas sa unang report na Indonesian ang mga ito at ang Filipina na si Azara Sarahan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ARSAL

AZARA SARAHAN

CHIEF LT

DANIEL LUCERO

JOY CANTOS

NONOY ALKUSIL

PANGLIMA SUGALA

PUBLIC INFORMATION OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with