Kinumpirma naman ni AFP Northern Luzon Command spokeman Lt. Col. Preme Monta na sinalakay ng mga rebelde ang presinto ng San Jose police sa Barangay Lubigan, bandang alas-4:30 ng hapon.
Bago salakayin ang naturang presinto, kinomander ng mga rebelde ang tatlong trak mula Provincial Engineers Office (PEO) at ginawang kalasag ang apat na sibilyan bago isagawa ang pagsalakay.
Batay pa rin sa ulat ng militar, pinalaya naman ang mga bihag matapos na maisagawa ang pagsalakay at tangayin ang apat na baril kabilang na ang M-16 at M-14 Armalite rifles at mga gamit na personal ng mga kagawad ng pulisya.
Ipinag-utos na si Nolcom Commander Lt. Gen. Romeo Dominguez ng Armys 703rd Infantry Brigade na maglunsad ng malawakang pagtugis sa mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)