^

Probinsiya

4 sibilyan hinostage ng NPA rebels

-
CAMP AGUINALDO – Naghasik na naman ng karahasan ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang salakayin ang presinto ng San Jose, Tarlac at bihagin ang apat na sibilyan kamakalawa ng hapon.

Kinumpirma naman ni AFP Northern Luzon Command spokeman Lt. Col. Preme Monta na sinalakay ng mga rebelde ang presinto ng San Jose police sa Barangay Lubigan, bandang alas-4:30 ng hapon.

Bago salakayin ang naturang presinto, kinomander ng mga rebelde ang tatlong trak mula Provincial Engineer’s Office (PEO) at ginawang kalasag ang apat na sibilyan bago isagawa ang pagsalakay.

Batay pa rin sa ulat ng militar, pinalaya naman ang mga bihag matapos na maisagawa ang pagsalakay at tangayin ang apat na baril kabilang na ang M-16 at M-14 Armalite rifles at mga gamit na personal ng mga kagawad ng pulisya.

Ipinag-utos na si Nolcom Commander Lt. Gen. Romeo Dominguez ng Army’s 703rd Infantry Brigade na maglunsad ng malawakang pagtugis sa mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY LUBIGAN

INFANTRY BRIGADE

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

NOLCOM COMMANDER LT

NORTHERN LUZON COMMAND

PREME MONTA

PROVINCIAL ENGINEER

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with