^

Probinsiya

5 bihag, minasaker ng Sayyaf

-
CAMP AGUINALDO – Lima-katao kabilang na ang apat na Indonesian national na binihag ng grupong Abu Sayyaf ang iniulat na minasaker makaraang mairita ang mga bandido sa paglusob ng mga tauhan ng pulisya sa madugong rescue operations sa Barangay Maraning, Tawi-Tawi kamakalawa ng gabi.

Ayon kay P/Chief Supt. Akmad Omar, police director sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), ang mga biktima na pinugutan ng ulo ay nakilala lamang sa mga alyas na Arsal, Amay, Geto, Amir at isang Pilipino na si Azara Sarahan ng Tawi-Tawi.

Nasagip naman ng mga awtoridad ang nag-iisang bihag na si Nonoy Alkusil, 19, Indonesian national matapos na makatakas habang nagaganap ang sagupaan at nasagip bandang alas-7 ng umaga kahapon.

Batay sa naunang ulat, ang mga biktimang minasaker ay dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf noong Oktubre 5, 2003 sa Borneo Eco-Farm Paradise Resort sa Sabah, Malaysia.

Base sa ulat, bandang alas-6:15 ng gabi nang makasagupa ng mga tauhan ng Languyan police ang hindi nabatid na bilang ng bandido na dumukot sa mga biktima.

Napag-alaman pa na ang balitang minasaker ang limang bihag ay naikuwento ni Alkusil sa mga awtoridad na nairita ang Sayyaf sa ginawang paglusob ng pulisya sa kinalalagyan ng mga bihag.

Habang nagaganap ang madugong engkuwentro ay hindi naman nabatid ang bilang ng mga nasawing Sayyaf at kasalukuyang pang bineberipika ang tunay na pagkatao ng mga biktima, ayon pa sa ulat ng pulisya. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

AKMAD OMAR

AUTONOMOUS REGION

AZARA SARAHAN

BARANGAY MARANING

BORNEO ECO-FARM PARADISE RESORT

CHIEF SUPT

JOY CANTOS

MUSLIM MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with