Pamilya minasaker: 3 patay
October 26, 2003 | 12:00am
TANAUAN, Batangas Walang-awang binistay ng bala ng M-16 Armalite rifle hanggang sa mapatay ang tatlong miyembro ng pamilya kabilang na ang tatlong-taong gulang na batang babae ng mga hindi kilalang armadong lalaki sa Sitio Malipa, Barangay Malaking Pulo sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Nagkabutas-butas ang katawan ng mga biktimang sina Romulo Tuizia, 34, asawang si Maricel, 27, at anak na si Rochelle, tatlong-taong gulang, samantala, nakaligtas naman ang isa pang anak na si George, 7, na nagtamo naman ng ilang sugat sa katawan at ginagamot ngayon sa Mercado Hospital, ayon sa ulat ng pulisya.
Narekober ng pulisya ang 37 basyo ng nasabing rifle sa pinangyarihan ng krimen.
May posibilidad na ang pagkakapatay kay Romulo na idinawit pa ang kanyang pamilya ay may kaugnayan sa kasalukuyang negosyo nito.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na bandang alas-7 ng gabi nang huling mamataang buhay si Romulo kasama ang kanyang pamilya na nanonood ng telebisyon sa loob ng kanilang bahay.
Napag-alaman pa na ang bahay ng mga biktima ay nagkabutas-butas na may palatandaang binistay ng bala ng malalakas na baril mula sa dalawang hindi kilalang lalaki.
Nakilala naman agad ang dalawang suspek at pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan nito habang nagsasagawa ng follow-up operation para hindi makalayo.
Ayon kay SPO1 Carlos Petate, si Romulo ay isa sa kasangkot sa operasyon ng cattle rustling ng sindikato at tumatayong mangangatay at taga-benta ng karne ng hayop.
Malaki ang paniniwala ng pulisya na ang pamamaslang ay nag-ugat matapos na hindi maibigay ni Romulo ang malaking halaga mula sa ipinagbiling karne ng hayop.
Lumalabas pa sa pagsisiyat na bago pa maganap ang malagim na trahedya ay binalaan na ng mga kaibigan si Maricel na may kumakalat na balita na itutumba ang kanyang asawang si Romulo ng grupo. (Ulat ni Arnel Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 23 hours ago
By Cristina Timbang | 23 hours ago
By Tony Sandoval | 23 hours ago
Recommended