Ex-brgy. kagawad itinumba

CAMP AGUINALDO – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang dating barangay kagawad ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) lost command habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa Barangay Labungan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Pinto Monsing na pinaniniwalaang pinatahimik dahil sa naging partisipasyon nito laban sa rebeldeng MILF. Ayon sa ulat, inupakan ang biktima bandang alas-6:20 ng gabi matapos na harangin ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng lost command ng MILF. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments