3-katao nilamon ng ilog

NUEVA ECIJA – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang nagkaisang languyin ang Pampanga River para makauwi ang iniulat na nalunod makaraang tangayin ng malakas na agos ng tubig na sakop ng Barangay Sapang, Cabanatuan City kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Melvin Santos, 21, may asawa, obrero, Jerwin Manubay, 16 4th year high school at Ronnel Panolino, 17 na pawang residente ng Purok Sampaguita, Barangay Pagas ng lungsod na ito.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya na nagkayayaang lumangoy ang mga biktima matapos maglaro ng basketball. Dahil sa malapit lamang ang uuwiang bahay kapag tinawid ang nasabing ilog ay nagpasya na lamang sa tubig dumaan pero naganap ang malagim na trahedya, ayon sa ulat ng pulisya. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments