Kinilala ni P/Director Enrique Galang, Operations Chief ng Philippine National Police (PNP) ang biktimang napatay na si PO1 Alantoy, miyembro ng Gamay municipal police station.
Ang mga nasugatang pulis ay kasalukuyan pang beneberipika ang mga pangalan at nilalapatan pa ng lunas sa pagamutan.
Ayon kay Galang, naganap ang pagsalakay ng mga rebelde bandang alas-6:30 ng umaga.
Base sa imbestigasyon, ang grupo ng umatakeng mga rebelde ay lulan ng mga kinomander na pampasaherong jeepney kung saan ang mga ito ay pawang nakabalot ang ulo ng kulay pula at dilaw na tela nang lusubin ang himpilan ng Gamay PNP.
"Mabuhay ang NPA, mabuhay ang kilusang komunista, mabuhay ang partido komunista ng Pilipinas," sigaw ng sumalakay na rebelde na labis na ikinasorpresa ng mga bantay na pulis dito.
Tinangay ng mga rebelde ang 13 armalite rifles matapos halughugin ang nasabing himpilan.
Patuloy ang isinasagawang hot pursuit operations ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar laban sa grupo ng mga rebelde na responsable sa insidente.
Magugunita na 17 ang nasawi na kinabibilangan ng 11 CAFGU, limang sundalo at sibilyan matapos na salakayin ng mga rebeldeng NPA ang Cagdili Detachment ng Armys 52nd Infantry Division (ID) sa Oras, Eastern Samar noong Hunyo 26 ng taong ito. (Ulat Joy Cantos)