Trader naisalba sa kidnaper
October 24, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Isang 56-anyos na negosyante na pinaniniwalaang tatlong buwang binihag ng Pentagon kidnap-for-ransom gang ang naisalba ng pinagsanib na puwersa ng Armys 1st Philippine Marine Brigade, Provincial Security Force ang Lanao del Sur at Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) sa isinagawang operasyon sa Iligan City, Lanao del Sur kahapon ng madaling-araw, ayon sa ulat ni PSC chief Akira Alonto.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Melanio Siao Dano na dinukot noong Agosto 7, 2003 at pinawalan sa bayan ng Taraka, Lanao del Sur. Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na bago maisalba ang biktima ay humihinggi ng P30 milyong ransom ang mga kidnaper sa pamilya ni Siao hanggang sa ma-pressure ang KFR sa isinagawang pagtugis ng mga awtoridad kaya pinakawalan na lamang ang negosyante. (Ulat nina Lino dela Cruz at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended