Ang mga akusadong dinakip at nakapagbayad agad ng piyansa ng P.2 milyong kada isa ay nakilalang sina Tineg Mayor Erwin Crisologo, PO3 Victor Batawang, Montano Inon at Rommel Inon na kinasuhan ng pamilya Engr. Jomel Beza sa sala ni Judge Corpuz Alzate ng Regional Trial Court Branch 2.
Base sa record ng korte, pinaulanan ng bala ng baril ang bahay ng pamilya Beza ng mga kalalakihang pinaniniwalaang tauhan ng nasabing mayor na ikinasugat naman ni Jomel, April, Queenie, Qwyneth at Santiago Balbaro.
Napag-alaman pa na narinig ng mga biktima ang sigaw ng nasabing alkalde na pinigil ang kanyang mga tauhan kaya natigil ang sunod-sunod na putok dahil sa nagkamali ng pinupuntiryang pamilya.
Gayunman, matapos ang masusing pagsusuri ni Provincial Fiscal Rodor Gayao na malakas ang ebidensiya sa isinampang kaso laban sa apat kaya isinampa sa korte. (Ulat ni Myds Supnad)