^

Probinsiya

Mayor, 3 aide nahaharap sa kasong attempted murder

-
BANGUED, Abra – Nalalagay sa balag ng alanganin ang mayor ng Tineg at tatlo nitong aide makaraang magpalabas ng warrant of arrest ang korte sa kasong attempted murder na naganap noong Agosto 18, 2003 sa Barangay Mabini, Zone 3 sa bayang ito.

Ang mga akusadong dinakip at nakapagbayad agad ng piyansa ng P.2 milyong kada isa ay nakilalang sina Tineg Mayor Erwin Crisologo, PO3 Victor Batawang, Montano Inon at Rommel Inon na kinasuhan ng pamilya Engr. Jomel Beza sa sala ni Judge Corpuz Alzate ng Regional Trial Court Branch 2.

Base sa record ng korte, pinaulanan ng bala ng baril ang bahay ng pamilya Beza ng mga kalalakihang pinaniniwalaang tauhan ng nasabing mayor na ikinasugat naman ni Jomel, April, Queenie, Qwyneth at Santiago Balbaro.

Napag-alaman pa na narinig ng mga biktima ang sigaw ng nasabing alkalde na pinigil ang kanyang mga tauhan kaya natigil ang sunod-sunod na putok dahil sa nagkamali ng pinupuntiryang pamilya.

Gayunman, matapos ang masusing pagsusuri ni Provincial Fiscal Rodor Gayao na malakas ang ebidensiya sa isinampang kaso laban sa apat kaya isinampa sa korte. (Ulat ni Myds Supnad)

BARANGAY MABINI

JOMEL BEZA

JUDGE CORPUZ ALZATE

MONTANO INON

MYDS SUPNAD

PROVINCIAL FISCAL RODOR GAYAO

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

ROMMEL INON

SANTIAGO BALBARO

TINEG MAYOR ERWIN CRISOLOGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with